Sergio Osmena

SERGIO OSMEÑA

• Ika-apat na pangulo ng Pilipinas.

• Ipinanganak noong ika- 9 ng Setyembre, taong 1878 sa Lungsod ng Cebu.

• Siya ang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na nagmula sa Visayas.

• Siya ang pinakamatandang naging presidente ng bansa sa edad na 65.

MGA KONTRIBUSYON NI PANGULONG OSMEÑA SA PILIPINAS:

Nang muling naitatag ang Commonwealth Government, unang binigyang-tuon ni Osmeña ang pagbangon ng Pilipinas mula sa sinapit nitong pagkasira dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Muli nyang isinaayos ang mga sangay ng gobyerno. Binuo niya ang kanyang gabinete at binuhay ang kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman. Muli niyang pinanumbalik ang papel ng Lehislatura sa pamahalaan kung saan naihalal si Manuel Roxas bilang Senate President at si Jose Zulueta naman bilang House Speaker. Sa utos ni Osmeña, ang kauna-unahan panukalang batas na tinutukan ng kongresong ay ang rehabilitasyon ng Philippine National Bank. Naaayon ang panukala sa layunin ni Pangulong Osmeña na maka-angat muli ang ekonomiya ng bansa. May mga ginawang hakbang din si Osmeña kaugnay ng mga polisiyang may kinalaman sa ating ugnayan sa ibang bansa. Nagpadala siya ng delegasyon sa Estados Unidos upang makiisa sa pagbuo ng United Nations Charter. Kabilang ang Pilipinas sa 51 bansang pumirma rito. Sa ilalim ng pamahalaang Osmeña, naging miyembro tayo ng International Monetary Fund at International Bank for Reconstruction and Development. Itinulak din ni Osmeña sa US Congress ang pagpapasa ng Bell Trade Act. Nang maaprubahan ng kongreso ng Estados Unidos, nakatulong ito ng malaki sa ating ekonomiya. Sa pamamagitan ng Bell Trade Act, nabigyan ng pagkakataon ang bansa na makapagluwas ng ating mga pangunahing produkto sa Amerika ng walang kinakailangang bayarang buwis. Maayos at tapat ang kaniyang pamamalakad sa gobyerno.

14248927_927931720686492_1884309254_n.jpg

Benigno Simeon Cojuangco Aquino III

Si Benigno “Noynoy” Simeon Cojuangco Aquino III Si Benigno “Noynoy” Simeon Cojuangco Aquino III ay isinilang noong ika-8 ng Pebrero taong 1960 sa Manila. Siya ay ang pangatlo at ang tanging lalaki sa limang supling nina Benigno Aquino, Jr, na Bise Gobernador ng Tarlac noon, at Corazon Aquino, ang kauna-unahang babaing naging presidente ng Pilipinas. Siya ay may apat na kapatid na babae, sina Maria Elena (Ballsy) Aquino-Cruz, Aurora Corazon (Pinky) Aquino-Abellada, Victoria Eliza (Viel) Aquino-Dee, at Kristina Bernadette Aquino-Yap (Kris). Noong 1965 hanggang 1981, siya ay nag-aral sa Ateneo de Manila Universtity mula elementarya hanggang kolehiyo. Noong 1981, si Noynoy ay nagtapos sa Ateneo de Manila University ng Bachelor’s Degree in Economics. Pagkatapos noon, sinamahan niya ang kanyang pamilya sa Newton, Massachusetts upang lumayo sa magulong pamamahala sa Pilipinas ng regimeng Marcos. Noong 1983, pagkatapos ng dalawang taong pananatili sa Estados Unidos, bumalik si Noynoy sa Pilipinas kasama ng kanyang pamilya kasunod ng asasinasyon sa kanyang amang si Ninoy noong Augusto 21, 1983. Nagkaroon siya ng maiksing panunungkulan at miyembro ng Philippine Business for Social Progress, bilang assistant of the executive director of PBSP. Pagkatapos noon, siya ay naging assistant Retail Sales Supervisor sa Mondragon Industries Philippines, Inc at Assistant Promotions Manager ng Nike Philippines, Inc. Mula 1986 hanggang 1992, habang presidente ng Pilipinas ang kanyang inang si Cory Aquino, si Noynoy ay naging bise president ng Intra-Strata Assurance Corporation, kumpanya ng kanyang tiyuhing si Antolin Oreta Jr. Noong Augusto 28, 1987, na ikalabing-walong buwang panunungkulan ng dating pangulong si Corazon Aquino, si Noynoy ay nabaril sa gitna ng bigong rebelyon sa Malacañang Palace na pinamunuan ni Gregorio Honasan. Tatlo sa kanyang apat na tauhan ang namatay at isa ang sugatan sa pagliligtas sa kanya. Limang bala ang tumama kay Noynoy, at isa roon ay nakatatak pa sa kanyang leeg. Noong 1993 hanggang 1998, nagtrabaho si Noynoy sa Central Azucarera de Tarlac, na pag-aari ng kanyang pamilya-Cojuangco sa Hacienda Luisita bilang assistant for administration mula 1993 hanggang 1996, pagkatapos noon siya ay naging manager for field services mula 1996 hanggang 1998. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang inang si dating presedente Corazon Aquino noong Augusto 1, 2009, maraming Pilipino ang nag-udyok sa kanya na tumakbo bilang president. At noong Septembre 9 taong ding iyon, inanunsiyo ni Noynoy na siya’t tatakbo bilang pangulo sa halalang 2010, na nangyari noong May 10, 2010. Dahil maraming Pilipino ang naniniwala at nagmamahal sa kanya, siya ay nanalong presidente at iprinoklama noong June 9, 2010 ng Kongreso ng Pilipinas. Noong Hunyo 30, 2010, siya ay nanumpa bilang ika-15th presidente ng Pilipinas, sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, kapalit ni Gloria Macapagal Arroyo. Siya ay mas kilala ngayon bilang Noynoy Aquino o PNoy (maiksing pantawag katumbas ng “President Noynoy). Si Noynoy ay ikaapat sa kanyang henerasyon na pumasok bilang politico; and kanyang ninunong si Servillano “Mianong” Aquino ay naging delegado ng Kongreso ng Malolos, ang kanyang lolo na si Benigno Aquino, Sr. ay nanungkulan mula 1919 hanggang 1944 sa lehislatibong posisyon at ang kanyang mga magulang na sina Benigno Aquino, Jr. at Corazon Aquino ay naging myembro ng Partido Liberal. Ilan sa mga nagawa at nakamit ni “Noynoy”ay ang “wang wang policy, K-12 na edukasyon sa Pilipinas. Ipinatigil niya ang ang bonuses at allowances ng goverment owed at controlled corporation at government financial institution board members. Lumago ng 7.1 % ang Pilipinas. Sa mga dahilan na ito maiituturing na isa sa mga magaling na lider si dating pangulong Benigno Aquino III.

14256739_927929854020012_185214671_n.jpg

Emilio Jacinto

Si Emilio Jacinto y Dizon (15 Disyembre 1875 — 16 Abril 1899), ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at kilala bilang Utak ng Katipunan. Ipinanganak si Emilio Jacinto sa Tondo, Maynila at ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran, at lumaon at lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng abogasiya. Naging kamag-aral niya rito sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña. Hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo, at sa gulang na 17, si Emilio Jacinto ang pinakabata sa lihim na samahan na tinawag na Katipunan. Naging tagapayo siya sa mga usaping pampiskalya at kalihim ni Andrés Bonifacio. Lumaon ay nakilala siya bilang Utak ng Katipunan. Inatasan siya ni Bonifacio na mamuno sa Laguna. Siya ay nakasulat ng mga akda tulad ng A Mi Patria at ang Kartilya ng Katipunan. Siya rin ay isa sa mga sumulat ng pahayagan ng Katipunan na tinatawag na Kalayaan. Sumulat siya sa pangalang “Dimasilaw” at ginamit ang alyas na “Pingkian” sa Katipunan.

Namatay sa sakit na malarya si Jacinto noong 16 Abril 1899 sa Magdalena, Laguna.

Manuel L. Quezon

Si Manuel Luis Quezon y Molina (19 Agosto 1878 – 1 Agosto 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal). Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong 19 Agosto 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.
Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntangAustralya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.
Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New York noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang ‘Ama ng Wikang Pambansa’

Ramon Magsaysay

 

MTE5NTU2MzE1OTQ4ODc3MzIzSi Ramon Magsaysay ay ang ikapitong pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College at nakapagtapos ng kursong Komersiyo. Nagtrabaho siya bilang tsuper habang nag-aaral. Siya ay nagtrabaho bilang mekaniko ng Try Tran Bus Company sa Maynila at kalaunang naging manager nito. Sa opisina ng Try Tran na nakilala niya ang kanyang asawang si Luz Banzon na kumukuha ng kabayaran para sa kompanya ng bus na ipinagbili ng ama ni Banzon sa Try Tran. Sila ay ikinasal noong Hunyo 10, 1933. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na “Tagapagligtas ng Demokrasya.” Siya ay tinawag na “Kampeon ng mga Masa” at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral. Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.